
音律可視化分析
從逐字對照、聲調走勢、韻腳地圖到 3D 地形探索
虛線字 = 多音字,點字切換粵音 / 查同音 / 查字典
1
Ako′y isang sirena2
Kahit ano'ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda3
Ako′y isang sirena4
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba6
Drum na may tubig ang sinisisid7
Naglalakihang mga braso, sa ′ki'y dumidikdik8
Drum na may tubig ang sinisisid9
Sa patagalan ng paghinga, sa ′kin kayo ay bibilib11
Simula pa nang bata pa ako12
Halata mo na kapag naglalaro13
Kaya parang lahat ay nalilito14
Magaling sa Chinese garter at piko15
Mga labi ko'y pulang-pula16
Sa bubble gum na sinapa17
Palakad-lakad sa harapan ng salamin18
Sinasabi sa sarili, "Ano′ng panama nila?"20
Habang kumekembot ang bewang21
Mga hikaw na gumegewang22
Gamit ang pulbos na binili kay Aling Bebang23
Upang matakpan ang mga pasa sa mukha24
Na galing sa aking ama na tila 'di natutuwa25
Sa t′wing ako'y nasisilayan, laging nalalatayan26
Sa paglipas ng panahon ay 'di ko namamalayan27
Na imbes na tumigas ay tila lalong lumambot28
Ang puso kong mapagmahal, parang pilikmatang kulot30
Ako′y isang sirena31
Kahit ano′ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda32
Ako'y isang sirena33
Kahit ano′ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba35
Drum na may tubig ang sinisisid36
Naglalakihang mga braso, sa 'ki′y dumidikdik37
Drum na may tubig ang sinisisid38
Sa patagalan ng paghinga, sa 'kin kayo ay bibilib40
Hanggang sa naging binata na ako41
Teka muna, mali, dalaga na pala 'to42
Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin?43
Ano ba′ng mga problema niyo?44
Dahil ba ang mga kilos ko′y iba45
Sa dapat makita ng inyong mata?46
Sa tuwing nanonood ng liga, laging natutulala47
Kahit 'di pumasok ang bola, ako′y tuwang-tuwa49
Kahit kinalyo na sa tapang, kasi gano'n na lamang50
Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang51
"Tama na naman, Itay, ′di na po ako pasaway52
'Di ko na po isusuot ang lumang saya ni Inay"53
Kapag ako′y naiiyak ay sumusugod sa ambon54
Iniisip ko na lamang na baka ako'y ampon55
Kasi araw-araw na lamang ay walang humpay na banat56
Ang inaabot ng ganda kong pang-ilalim ng dagat58
Ako'y isang sirena59
Kahit ano′ng sabihin nila, ako ay ubod ng ganda60
Ako′y isang sirena61
Kahit ano'ng gawin nila, bandera ko′y 'di tutumba63
Drum na may tubig ang sinisisid64
Naglalakihang mga braso, sa ′ki'y dumidikdik65
Drum na may tubig ang sinisisid66
Sa patagalan ng paghinga, sa ′kin kayo ay bibilib68
Lumipas ang mga taon69
Nangagsipag-asawa aking mga kapatid, lahat sila'y sumama70
Nagpakalayo-layo, ni hindi makabisita71
"Kakain na po, Itay, nakahanda na'ng lamesita"72
Akay-akay sa paglakad, paisa-isang hakbang73
Ngayo′y buto′t balat ang dating matipunong katawan74
Kaya sa 'yong kaarawan, susubukan kong palitan75
Ang lungkot na nadarama, ′wag na po nating balikan77
Kahit medyo naiinis, hindi dahil sa nagka-cancer78
Kasi dahil ang tagapag-alaga mo'y naka-duster79
Isang gabi, ako′y iyong tinawag, lumapit80
Ako sa 'yong tabi, ika′y tumangan, kumapit81
Ka sa aking kamay kahit hirap magsalita82
"Anak, patawad sana sa lahat ng aking nagawa83
'Di sinusukat ang tapang at ang bigote sa mukha84
Dahil kung minsan, mas lalaki pa sa lalaki ang bakla"86
Drum na may tubig ang sinisisid87
Naglalakihang mga braso, sa 'ki′y dumidikdik88
Drum na may tubig ang sinisisid89
Sa patagalan ng paghinga, sa ′kin kayo ay bibilib91
Ako'y isang sirena92
Kahit ano′ng gawin nila, bandera ko'y ′di tutumba