
音律可視化分析
從逐字對照、聲調走勢、韻腳地圖到 3D 地形探索
虛線字 = 多音字,點字切換粵音 / 查同音 / 查字典
1
Kayo po na nakaupo2
Subukan niyo namang tumayo3
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo4
Ang tunay na kalagayan ko (ganito kasi ′yan, eh)6
Tao po, nandiyan po ba kayo sa loob7
Ng malaking bahay at malawak na bakuran?8
Mataas na pader, pinapaligiran9
At nakapilang mga mamahaling sasakyan10
Mga patay na laging bulong nang bulong11
Wala namang kasal pero marami ang nakabarong12
Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong13
Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong15
At ang kanin ay singputi ng gatas na nasa kahon16
At kahit na hindi Pasko, sa lamesa ay may hamon17
Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganiyan18
Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan19
Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan20
Na ′pag may pagkakatao'y pinag-aagawan21
Kaya naman hindi niya pinakakawalan22
Kung makikita ko lamang, siya ay aking sisigawan24
Kayo po na nakaupo25
Subukan niyo namang tumayo26
At baka matanaw, at baka matanaw ninyo27
Ang tunay na kalagayan ko29
Mawalang-galang lang po sa taong nakaupo30
Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay 'di puno?31
Ang dingding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero32
Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo33
Na ′di kayang bilhin upang ilagay sa inumin34
Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling35
Gamit ang panggatong na inanod lamang sa estero36
Na nagsisilbing kusina, sa umaga′y aming banyo38
Ang aking inay na may kayamanang isang kaldero39
Na nagagamit lang 'pag ang aking ama ay sumuweldo40
Pero kulang na kulang pa rin, ulam na tuyo′t asin41
Ang 50 pesos sa maghapo'y pagkakasiyahin42
′Di ko alam kung talagang maraming harang43
O mataas lang ang bakod o nagbubulag-bulagan lamang po kayo44
Kahit sa dami ng pera niyo45
Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo, kaya47
'Wag kang masyadong halata48
Bato-bato sa langit49
Ang matamaa′y 'wag magalit, oh50
Bato, bato-bato sa langit51
Ang matamaan ay 'wag masyadong halata53
′Wag kang masyadong halata54
′Wag kang masyadong halata55
'Wag kang masyadong halata